Matagal ko din inasam na mabasa ang librong to nung June 16 nabasa ko na rin sya naisip ko lang na i share yung peyborit lines at part sa Kapitan Sino..
Rogelio: "Mukha ba akong tanga ? [ ngumiti si tessa ng tago ang ngipin at humarap sa kausap ]
Tessa: "Wala akong paningin. hindi ako nakakakita ng maskara. kung sino ka talaga yun lang ang nakikita ko."
Rogelio: "Naku!, kung talagang gwapo pala ako sa ilaalim ng maskara e di mo rin malalaman yun!"
Tessa: Hindi ko malalaman, pero maaawa ako sa'yo."
Rogelio: Dahil?
Tessa: Dahil maraming pedeng magakagusto sayo ng di ikaw ang nakikita nila kundi kung ano ang itsura mo."
Rogelio: "Um, oo, pero hindi ba mas mahirap ang buhay kung.. kung kunyari kamuka ko si Bok-bok?"
Tessa: "Una, Hindi ko alam itsura ni Bok-bok. Pangalawa, Hindi ba mas masarap mahalin ng hindi lang sa itsura mo?
Rogelio: "E kung dahil naman sa kayamanan? o kapangyarihan?
Tessa: Hindi pagmamahal yun!
Rogelio: E kung wala kang itsura o pera at walang magmamahal sayo?
Tessa: Naniniwala ka ba talaga sa mga tanong mo ?
Rogelio: Hindi pero --" Sabi ni Exupery, "ang pinakamahalagang bagay sa mundo,hindi nakikita ng mata." Naniniwala ka ba talaga sa mga sagot mo ?
Tessa: Alam mo ba ang pinagkaiba ng mga bulag at ng mga nakakakita?
Rogelio: Paningin??
Tessa: "Hindi alam ng mga nakakakita kelan sila bulag." Ikaw lahat ba ng nakikita ng mata nakikita mo ? "nararamdaman." [ bahagyang niyakap ni Tessa abg sarili para labanan ang lamig. ] Sabi ng tatay ko dati. wag daw akong malungkot dahil mga panlabas na anyo lang ang di ko makikita, pero mas makikilala ko ang mundo sa kung ano ito dahil di ako mabubulag sa anyo..
Bakit may mga mag asawang tulad nina aling baby at mang boy na sabi sabi ng mga tao magkamukang bakulaw pero masaya naman sa piling ng isat isa at bakit maraming gwapo at maganda ang nauuwi lang sa hiwalayan?