Sunday, April 19, 2009

>>From me to you


........Mainit ang ulo ko, anong bago? ..ilang milyong sorry na ta ang nasabi ko, sinabing pipiliting magbago, hindi naman ako masamang tao.pero madalas pakiramdam ko ang sama sama ko pag umiiyak ka dahil sa mga nasasabi at nagagawa ko hindi naman ako manhid hindi ko maintindihan ang sarili ko. umiyak ako dahil nasaktan ako sa sinabi mo bago tayo matulog.. nag sorry ka sabi mo nabigla ka lang.. alam ko napapagod ka din sakin sa ugali ko.. takot ako na hindi kita makita at makasama, alam ko kung hangang saan ang dapat kung hangang san ang hinde.madalas humihingi at nag e expect ako ng sobra. na mi-miss lang kita.ilang beses ako humihiwalay nag lalakas loob pero ang totoo hindi ko kaya. sumusuko lang ako kaagad naririndi,tinanong mo pa ako kung sa tingin ko yun ang solusyon para sumaya ako at ang tanga ko sinabi ko na "siguro oo at para matapos na" pero hindi moko iniwan. ako na siguro ang pinakaswerteng tao.ang tyaga mo!pero pano kung ganito parin ako,kung masaktan kita uli,ayoko pero pano kung umiyak ka ulit dahil nasaktan kita? hindi ko kayang mangako .pero sana makita at maramdaman mo napinipilit kong magbago para satin,sana rin wag mo isiping hindi kita mahal pag hindi ako nakapag i love sa txt ko,pag binababaan kita ng phone at tinatawag sa pangalan mo hindi ko sinasadya,alam mo ang kinakatakutan ko. yun ay mawala ka ulet at hindi ka na bumalik. yung hindi na kita makita , yung isang bwan na nawala ka nasaktan ako ng sobra sobra i felt so empty,alam ko naintindihan mo din na pareho tayo nagkulang nagkamali nag mahal ng iba .. pero sana maniwala ka na hindi ko na mahal si intsik. oo nahirapan ako maka move on dahil somehow nasanay ako sa lambing nya, auko din isiping dahil sa ginawa ko sa kanya kaya ako nakakarma at nag aaway tayo ng madalas.alam ko napatawad nya na ako.. kaya sana maniwala ka.ikaw lang ang mahal ko mamahalin ko at pinakamamahal ko. madami pang mangyayari may madming pang beses na take out sa jollibee,mcdonalds bago umuwi.timezone hangang madaling araw. curlytops na pasalubong. krispy kreme na pansurpresa.pringles na pula,kiss sabay goodmorning sa umaga,goodnight bago matulog sa hapon,hug na mahigpit pag nalulungkot,siomai na madami,sunduan ,,ayy sunduin pala..hehe,sabadate at sundate na masaya,north to south south to north na joy ride.family day at peks adventure,hindi naman naten kelangan maghiwal hangat mahal naten ang isat isa db ,sabi ko nga sau pag hindi mo na ako mahal sabihin mo lang..[pero hindi ako papayag :P] madami pa ako gustong sabihin malamang kulang and buong blog ko ...see you later.,gusto ko lang paramdam sau na mahal na mahal kita at hindi ita iiwan hinding hindi..see you later i miss u it's been 2 days....


i love you now forever and evryday in between..